Yung last week sa buwan ng July, nagproposal defense kame. Sa awa naman ng diyos at nakapasa kame with revisions. Sobrang saya kasi akala ko di ko magagawa, wala kasi akong bilib sa sarili ko. Alam mo naman kung gaano ako kainsecure diba sa mga abilidad at kakayahan ko. Yung malungkot lang kasi kahit maaga kameng nakapagdefense di ko pa rin naihabol sa first sem yung Thesis ko. Pero okay lang dahil habang may buhay may pag-asa. Sabi nga ni Santino.
Dumating yung August at September na parang bula, hindi ko na nga maalala anong mga nangyari nung mga panahon na yun diary. Sobrang lakas ng tama ko ata at nakatulog ako sa byahe ng buhay. dejoke. Sobrang stress at daming gagawin lang kaya ayun.
Kakatapos lang rin pala ng Finals namin, at okay naman feeling ko papasa naman ako sa mga exams ko. Yung thesis na lang talaga yung problema ko, sana matapos na namin bago magtapos ang buwan ng Oktubre. Mahirap na may atfest at bakasyon pa naman kame sa Disyembre.
Diary, magbrebreak na ata talaga kame ni Mark. Dalawang araw na kameng di naguusap. Tinext nya ako kahapon pero blank messange lang naman kaya di na ako nagreply. Hindi nya pa rin ako tinetext hanggang ngayon. Ang hirap kasi alam mo yun diary, mahal mo siya pero napakadami niyang problema sa buhay. Sinusubukan ko naman siyang intindihin pero may mga sarili rin akong problema. Hindi niya maintindihan na nahihirapan rin ako sa set up namin dalawa na bawal siya sa pamilya ko.
6 na buwan na lang Diary at aalis na ako sa bahay na to. Malaya na ako. Hindi naman sa malaya talaga pero magagawa ko na anong gusto kong gawin kapag nasa Cebu na ako. Isa pa, after ko magreview maghahanap na agad ako ng trabaho. Ayoko ng umasa pa sa mga magulang ko. Sobra sobra na yung 20 taon na ginugol nila para mapagaral ako at ibigay lahat ng luho ko sa akin.
Hanggang dito na lang siguro diary. Magbabalik ako at babalitaan kita kung nagbreak na talaga kame o nagkabalikan nanaman. Salamat.
